PCG pinasalamatan ng Japan sa pagsagip sa kanilang kababayan

PCG pinasalamatan ng Japan sa pagsagip sa kanilang kababayan

March 12, 2023 @ 2:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pasasalamat si Ambassador of Japan in the Philippines Kazuhiko Koshikawa sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsagip sa limang Japanese crew kahapon sa baybayin ng Calapan, Oriental Mindoro.

“Your dedication to duty and commitment to saving lives are truly admirable,” pahayag ni Ambassador Koshikawa.

Sa naunang ulat, sakay ng MV Catriona na isang fishing vessel ang mga Japanese crew nang makaranas ng maritime accident.

Umalis ang mga crew sa Japan patungong Davao at habang naglalayag ay aksidenteng nabutas ang fishing vessel.

Agad namang rumisponde ang PCG search and rescue team sakay ng BRP Habagat (TB-271) at matagumpay na narescuee ang mga Japanese crew na kapwa nasa maayos na kondisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden