PCG tumanggap ng patrol boat mula sa gobyerno ng France

PCG tumanggap ng patrol boat mula sa gobyerno ng France

August 9, 2018 @ 11:06 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Dumating na ang una sa apat na bagong French Fast Patrol Boats sa Alava Pier sa Subic Bay kung saan ito ipinagmalaki ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ay bahagi ng development program ng  Department of Transportation para sa PCG sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng DoTr at ng OCEA,  kilalang kumpanya sa France na gumagawa ng mga barko, ayon kay Coast Guard Spokesman Captain Armand Balilo.

Bukod sa apat na patrol boats, bibili rin ng isang (1) 82-meter Offshore Patrol Vessel ang PCG at ito ay umaabot sa halagang P5.142 B.

Sabi ni Balilo malaking tulong ang boat patrols sa kanilang pagpapatrolya lalo na’t ang FPB 72 MKII ay may bilis na 28 nautical miles kada oras at may kapasidad na 12 tripulante at 16 na pasahero.

Magagamit aniya ang boat patrols sa kanilang pagsasanay para magbantay sa mga nagtatangkang magpuslit ng mga iligal na droga at kargamento na pinadadaan sa backdoor.

Sa Setyembre at Nobyembre  darating ang pangalawa at pangatlong boat patrols at ang huling barko ay idi-deliver sa Enero 2019. Jocelyn Tabangcura-Domenden