PCG, USCG sanib-pwersa sa pag-ayuda sa balik-eskwela

PCG, USCG sanib-pwersa sa pag-ayuda sa balik-eskwela

September 2, 2022 @ 8:06 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghandog ng maagang pamasko ang Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang US Coast Guard (USCG) sa mga mag-aaral ng Jose Rizal Elementary School sa Tondo, Maynila.

Ang PCG at USCG, ay namahagi ng school supplies sa mga mag-aaral sa naturang eskuwelahan.

Bukod dito, nagkaroon din interaction ang nasabing mga coast guard personnel sa mga bata at parlor games at namahagi rin ng laruan at pagkain.

Sa panayam kay  Petty Officer. Diolana Caballero ng USCG, sinabi niya na nasa 20 silang tauhan o petty officers na nagpartisipa sa nasabing aktibidad habang ang iba ay may basketball game kasama ang PCG.

Nagdala rin sila ng mga materyales para mapinturahan ang mga silid-aralan at makumpuni ang mga sirang upuan at lamesa ng mga estudyante.

Nagpasalamat ang mga guro ng Jose Rizal Elementary School, sa pangunguna ni Mrs. Jennie Dino, sa pagbisita ng PCG at USCG para makapagbigay kasiyahan sa mga estudyante at makatulong sa pangangailangan ng kanilang paaralan ngayong School Year 2022-2023.

“The Philippine Republic has been so graciously with us, we are so thankful for it and we wanna make sure that we able to give back to the best as want” pahayag ni Caballero.

Aniya pagkatapos ng nasabing aktibidad ay tutungo na sila sa Lubang Island sa Occidental Mindoro para sa kanilang rescue demonstration sa baybayin kung saan tatagal ng ilang araw.

Nang tanungin naman kung mananatili sila sa bansa sa kabila ng banta ng bagyo kung saan nakapasok na sa  Philippine Area of Responsibility ang bagyong Henry, sinabi ni Caballero na mas masaya sila na tumulong kung sakaling may search and rescue operation ang PCG.

” If any situation happen and we do to assist the Philippine Coast Guard (PCG) ,we are more than happy too.Im my naviar area of responsibility , we are partners and we wanna keep that partnership going and showing that we are one coast guard eventhough we are in different countries”, pahayag pa ng US petty officer.

Sinabi naman PCG Lt.Jrgrade Debie Mojado na tuloy pa rin ang SAR exercise ng PCG at USCG sa kabila ng bagyo.

Bukod dito may ilang aktibidad na rin aniya ang ginawa ng PCG at USCG mula nang dumaong ang USCG Cutter Midgett sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden