PCG walang ‘off the record’ na impormasyon sa publiko

PCG walang ‘off the record’ na impormasyon sa publiko

December 16, 2022 @ 4:32 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu na walang ‘off the record’ sa pagbibigay ng impormasyon sa media kasabay ng pahayag na katuwang ng ahensya ang mga mamamahayag sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko.

Sa katunayan, hinihimok ni Abu ang sinumang PCG personnel na magsalita sa media patungkol sa anumang usapin hinggil sa ahensya.

Pero giniit ni Abu na may kasamang responsibilidad ang pagbabahagi ng impormasyon at ito ang dapat siguruhin ng mga PCG personnel.

Kaya bilang gabay sa kahit sinong tauhan ng PCG na haharap sa media, tanging paalala lang ng kumandante na sundin ang ilang bagay.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na accurate, concise, clear at timely. Jocelyn Tabangcura-Domenden