PCGG palalakasin ni Marcos ‘pag naging presidente

PCGG palalakasin ni Marcos ‘pag naging presidente

February 6, 2022 @ 9:12 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni Presidential aspirant Bongbong Marcos na palalakasin niya pa ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) kung siya umano ang mahalal sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Ang nasabing ahensya ang may mandato na na bawiin ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

“Siguro ang anti-corruption, mas patibayin pa natin ang  PCGG,” ani Marcos sa  Ikaw Na Ba? Presidential interviews ng dzBB nitong Sabado, Pebrero 5.

Sinabi ng anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr., pinakamahusay na pag-aralan ang papel ng ahensya sa paglaban sa katiwalian sa gobyerno.

“Kailangan natin pag-aralan kung ano ang magiging role nila sa anti-corruption drive,” giit pa ni Marcos.

Ang PCGG ay nabuo noong 1986 nang maupo si dating Pangulong Corazon Aquino.

Ang pangunahing layunin ng PCGG ay mabawi ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos at kanilang mga crony.

Noong Setyembre 2021, nabawi ng PCGG ang humigit-kumulang ₱174 bilyong halaga ng cash at iba pang ari-arian mula sa mga Marcos at kanilang mga kroni. Ito ay tumatakbo pa rin pagkatapos ng hindi bababa sa ₱125 bilyon pa.

Si Marcos ay tumatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas kasama ang presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanyang vice presidential bet kasama ang 11 senatorial aspirants. RNT