PCGH apaw na sa mga pasyente

PCGH apaw na sa mga pasyente

November 4, 2022 @ 12:38 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng isang public advisory nitong Huwebes, Nobyembre 3 ang Pasay City General Hospital (PCGH) na naghahayag ng pagkapuno ng kanilang ospital ng mga pasyente.

Ayon sa public advisory ng PCGH, ang mga wards na umabot na sa full capacity ay ang kanilang emergency room, critical care ward, medical ward, COVID-19 ward at COVID-19 ICU (intensive care unit).

Bukod pa sa pagkapuno ng mga nabanggit na wards ng pasyente ay mayroon pang 17 pasyente ang nasa waiting list para mai-admit ang mga ito.

Pinayuhan din ng PCGH ang publiko na dalhin na lamang ang kanilang mga pasyente sa ibang pasilidad ng health care upang mabigyan ng nararapat at agarang panggagamot ang mga ito.

Sa kabila ng pagkapuno ng mga nabanggit na wards ay ipagpapatuloy pa rin ng PCGH ang panggagamot sa mga may mga kasong pang-emergency samantalang ang mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon ay kanilang ipadadala sa ibang medical facilities. James I. Catapusan