PCGH may libreng medical, surgical services sa ika-45 anibersaryo

PCGH may libreng medical, surgical services sa ika-45 anibersaryo

June 23, 2022 @ 11:57 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Ipagdiriwang ng nag-iisang pampublikong ospital ng lungsod na Pasay City General Hospital (PCGH) ang kanilang ika-45 anibersaryo sa darating na Sabado (Hunyo 25).

Sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na magsasagawa ang PCGH ng ilang libreng medical at surgical services para sa mga residente ng lungsod.

Ayon kay Calixto-Rubiano, bukod sa libreng medical at surgical services ay magsasagawa din ang PCGH ng mass developmental screening para sa mga batang nasa edad 0 hanggang 8-taong gulang na nakararanas ng mabagal na yugto sa paglaki, operation tuli para sa mga batng lalaki na nasa edad 11 taong gulang pataas, cervical cancer screening ng mga babae na nasa edad 18 hanggnag 60 taong gulang, hypertension at diabetes screening kabilang ang counselling ng mga nasa edad 40 taong gulang pataas, X-Ray at ECG (electrocardiogram) test pati na rin nang mass blood donation.

Maaaring magparehistro ang mga residente sa mga numero ng telepono na nakasaad kung anong serbisyo ang kanilang gusting ipagawa sa naturang selebrasyon.

Ang mass developmental screening ay isasagawa mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon at maaariing tumawag ang mga nagnanais magparehistro dito sa mga numerong 0993-379-0737 at 0976-013-132203.

Ang mga interesado naman para sa serbisyo ng operation tuli ay maaaring magparehistro sa htps//forms.gle/dx7voS4EVHnLYzFp6 para sa pagsasagawa ng serbisyo nito mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Tatanggap naman ang PCGH ng hanggang 50 pasyente para sa cervical cancer screening mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12 lamang ng tanghali kung saan maaaring magparehistro sa pamamagitan sa pagtawag sa numerong 0977-658-4088.

Sa libreng serbisyo naman para sa hypertension at diabetes screening kabilang ang counselling na isassagawa tuwing alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ay pwedeng magparehistro sa pamamagitan ng text message o tawag sa numerong 0956-273-4489.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang serbisyo ng X-ray at ECG na gaganapin sa ground floor ng ospital ay first come-first serve basis lamang para sa 50 residente na isasagawa mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon kung saan ang mga interesadong residente ay maaaring kumontak sa numerong 0933-197-8700 para sa kanoang pagpaparehistro.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang mass blood donation ay isasagawa naman sa conference room ng naturang ospital na matatagpuan sa ikatlong palapag ng gusali mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Nanawagan din si Calixto-Rubiano sa mga residente na lumahok sa libreng medical at surgical services na ipagkakaloob ng PCGH na naaayon sa ika-45 taong anibersayo ng nag-iisang pampublikong ospital ng lungsod. James I. Catapusan