PCGH umapaw sa pasyente!

PCGH umapaw sa pasyente!

July 29, 2022 @ 1:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang hindi na muna tumatanggap ng mga pasyente ang Pasay City General Hospital (PCGH) matapos umabot sa full capacity ang lahat ng medical at surgery clean wards, medical at pedia transition wards pati na rin ang emergency room beds ng nabanggit na ospital.

Dahil dito ay nag-biso ang management ng PCGH na ang lahat ng mga admissible patients ay kinakailang dalhin o ilipat na sa ibang health care facilities o ospital para sa nararapat at mabilis nag kanilang gamutan.

Bagama’t hindi na muna tatanggap ng pasyente ang PCGH ay nilinaw naman ng isang staff ng Public Information Office (PIO) ng lungsod na ang pagiging full capacity status ng ospital ay walang kaugnayan sa mga may kaso ng CoVID-19.

Ayon sa management ng PCGH, ang pansamantalang hindi nila pagtanggap ng pasyente ay dahil hospital waiting list sa emergency room (ER) admission ay lumampas na sa 20 pasyente.

Humingi naman ng pang-uunawa sa publiko ang mga opisyales ng PCGH dahil sa pangyayari at nangako silang maglalabas ng anunsyo kapag magbubukas na ang ospital para tumanggap muli ng pasyente. James I. Catapusan