PCHC nag-abiso sa bagong format ng petsa sa tseke
January 24, 2023 @ 6:36 PM
3 days ago
Views: 244
Shyr Abarentos2023-01-24T16:59:10+08:00
MANILA, Philippines- Nagpaalala ang Philippine Clearing House Corporation (PCHC) sa publiko na hindi na tatanggapin simula Mayo ang mga tseke na may issue date na nakasulat sa alphanumeric format, maliban sa mga piling kaso.
Batay sa kopya ng Memorandum Circular 3738 na may petsang January 17, nag-abiso ang PCHC sa clearing participants na ang mga tseke ay dapat na may full numeric issue date simula Mayo 1, at tatanggapin lamang ang alphanumeric issue dates hanggang Abril 30.
“We also would like to clarify that the intention of the full numeric date format is to implement a standard for writing the issue date on the check as after cutoff date, said standard shall become part of determining check acceptability for clearing,” saad sa MC.
Ikinasa ng PCHC noong 2018 na ang petsa na nakasulat sa numeric format ang babasahin ng clearing banks kasunod ng month-day-year sequence, na nangangahulugan na ang mga tseke na may petsang January 24, 2023 ay dapat gawing 01/24/2023.
Subalit, anito, tatanggapin pa rin ang mga tseke na may alphanumeric format kapag pasok sa mga sumusunod na kwalipikasyon:
-
“Post-dated checks (PDCs) accepted or stamped “Warehoused” by banks prior to May 2, 2023;
-
PDCs without the “Warehoused” stamp but bearing or printed with “Unique Identification Code” which indicates that these have been received by banks prior to February 1, 2019;
-
Manager’s Check or Cashier’s Check issued by the clearing banks with the Waiver Statement, and the features required prior to the issuance of new check design standards and specifications.”
Sa ilalim ng CICS OM 21-036 na ipinalabas ng PCHC noong Abril 2021, nakalagay sa check design standards na dapat sumunod ang mga petsa sa month-day-year format at dapat na naka-box, nakalabas ang peso sign sa halaga sa figures box, at mayroong boxed signatures. RNT/SA
January 27, 2023 @12:45 PM
Views: 4
LEBAK- Inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan election ang sunud-sunod na pamamaril-patay sa mga barangay chairman sa lalawigan ng Mindanao.
Sa barangay Basak, bayan ng Lebak, pinagbabaril-patay si PB Rogelio Talagtag Jr, 53, sa harap ng kanyang tindahan sa nasabing lugar.
Batay sa report ng Lebak Municipal Police Station, bandang 5:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa tapat ng tindahan ng biktima sa Purok Beverly Hills, ng naturang barangay.
Ayon kay Lebak Chief of Police Lieutenant Colonel Julius Malcontanto, nakatayo sa harap ng kanyang tindahan ang biktima nang sumulpot ang suspek na armado ng kalibre.45 na baril at pinaputukan ito sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang suspek at sumakay sa Bajaj 100 type na motorsiklo na naghihintay sa kalsada ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico
January 27, 2023 @12:38 PM
Views: 6
MANILA, Philippines – Ikinukunsidera ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang pagkuha ng reservists at pagpapataas sa quota ng military recruitment upang matugunan ang pangangailangan sa oras na maipatupad na ang proposed mandatory Reserve Officers Training Course (ROTC).
Sa panayam ng GMA News, nang tanungin si Dela Rosa kung ano ang naiisip nitong solusyon sa suliranin na ipinahayag ni Defense Undersecretary Franco Gacal na mangangailangan ang program ng nasa 9,000 hanggang 10,000 military personnel, ang tugon niya:
“Hindi naman lahat active ang kailangan natin diyan. Puwede naman yang gampanan ng mga reservists natin. If active military personnel are needed for the mandatory ROTC program, Dela Rosa said he is also considering increasing the annual recruitment quota of the Armed Forces of the Philippines (AFP).”
“Meron naman tayong annual recruitment na ginagawa sa ating AFP so dagdagan natin yung quota ng recruitment nila para ma-implement nila nang mabuti itong ROTC program,” dagdag pa niya.
Kasabay ng pagdinig ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education nitong Miyerkules, Enero 25, sinabi ni Gacal na mayroong malaking pangangailangan ang kailangang tugunan sa oras na gawing mandatory ang ROTC sa mga kolehiyo at unibersidad.
Sa kabila nito, nagpahayag naman ng kumpyansa si Dela Rosa na mapopondohan nila ang programa lalo pa’t isa ito sa mga prayoridad ng administrasyong Marcos.
Ang House Bill No. 6687 o ang National Citizens Service Training Program Act ay sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. RNT/JGC
January 27, 2023 @12:25 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Kinwestyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Biyernes, Enero 27 ang pagtutulak ng International Criminal Court (ICC) na magsagawa ng imbestigasyon sa anti-drug war ng nagdaang administrasyon.
Ani Dela Rosa, tila may agenda ang ICC sa pagpupumilit nitong maisagawa ang imbestigasyon.
“May motive behind ito. May ibang agenda kung bakit insisting. Merong nagtutulak sa kanila na mag-imbestiga. Baka gustong ibalik ang problema ng droga sa bansa,” sinabi ng senador sa panayam ng GMA News.
Aniya, sawa na siya sa imbestigasyon sa kabila ng pagtanggi ng pamahalaan na pumasok ang mga imbestigador sa bansa.
“Hindi nga sila pinapapasok dito para mag-conduct ng imbestigasyon. Go ahead kung anong gusto nilang gawin. Nakakasawa na,” giit ni Dela Rosa.
Nang tanungin naman kung makikipagtulungan ito sa ICC, sinabi ni Dela Rosa na hindi na kailangan ang imbestigasyon ng ICC dahil maayos naman ang criminal justice system sa bansa.
“Kapag pinasok mo ‘yan dito parang pinagsasampal mo sa mukha yung ating mga piskal at judges na parang wala sila ginagawa sa ating sitwasyon. Perfectly fine naman ang performance ng ating judicial system. Wala namang problema,” sinabi pa niya.
Nitong Huwebes, Enero 26 ay pinayagan na ng ICC ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa brutal na anti-drugs campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/JGC
January 27, 2023 @12:12 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Asian Development Bank ang $500 milyon o P27.2 bilyon policy-based loan na layong suportahan ang agrikultura ng bansa para masiguro ang long-term food security.
Sa pahayag nitong Biyernes, Enero 27, sinabi ng ADB na ang utang na ito ay susuporta sa Subprogram 2 ng Competitive and Inclusive Agriculture Development Program, na magpapaunlad sa agriculture sector sa pamamagitan ng trade policy at
regulatory framework reforms.
Layon din nito na palakasin ang public services at finance sector kabilang na ang proteksyon sa mga rural family.
“Extreme climate events and economic shocks are exacerbating the struggles of the agriculture sector to raise their productivity,” ani ADB Principal Natural Resources and Agriculture Economist for Southeast Asia Takeshi Ueda.
“This new loan aims to support the Philippines’ efforts to attain food security by building a competitive and inclusive agriculture sector that is characterized by improved efficiency, enhanced diversity, strengthened climate resilience, and higher farm incomes.”
Ayon pa sa ADB, ang bagong loan na ito ay susuporta sa inisyatibo ng pamahalaan kabilang na ang probisyon para sa unconditional cash transfers sa mga magsasaka, pautang sa maliliit na agriculture at fishery-based firms, mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pandemya.
Layon din na suportahan ng subprogram ang pamahalaan sa pagpapaigting ng planning at management ng land use at water resources.
Anang ADB, ang policy-based loans ay ibinibigay bilang suporta sa policy reform agenda ng pamahalaan.
Sinabi naman ni National Economic and Development Secretary Arsenio Balisacan na marami pang oportunidad ang nakikita ng pamahalaan para mapalakas ang agriculture sector ng bansa. RNT/JGC
January 27, 2023 @11:59 AM
Views: 22
ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang barangay chairman at limang kasama nito matapos tambangan at paulanan ng matataas na kalibre ng armas ang kanilang sasakyan kahapon ng hapon, Enero 26 sa lungsod na ito.
Unang nakilala ang nasawi na si Punong Barangay Ali Manangca, ng Barangay Balubuan, Sirawai, Zamboanga del Norte habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng limang nasawi.
Habang agaw-buhay naman sa ospital ang dalawang pa nitong kasama.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Sirawai Municipal Police Station, dakong 3:15 ng hapon nang maganap ang krimen sa national highway na sakop ng Barangay Piña.
Ayon kay Executive Master Sgt. Reymer Jun Pernito, sakay ang mga biktima ng Toyota Hilux nang bigla ng lamang silang harangin ng mga armadong kalalakihan at pinaulanan ng bala ng baril ang sasakyan.
Tinamaan ang mga biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad ikinamatay ng lima kabilang si Mangca habang dinala naman sa ospital ang dalawa at patuloy na inoobserbahan.
Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng mga awtoridad para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito. Mary Anne Sapico