PCL daan sa pro league ng kabataan

PCL daan sa pro league ng kabataan

March 18, 2022 @ 8:46 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Kumpiyansa si chess ‘Godfather’ Billy Joe Ereno na magsisilbing tungtungan ang Philippine Chess League (PCL) sa katuparan ng mga kabataan na maging world-class chess master sa hinaharap.

“Stepping stone ng mga kabataan itong PCL para makaabot sila sa professional league. Dito hinahasa namin sila through online competition. Natutuwa ako at sa Finals ng Season 2 ng PCL parehong team ko ang maglalaban sa championship,” pahayag ni Ereno patungkol sa finalists Chessmis TV at Cosbusters Phil. Corporating na kapwa niya pinangangasiwaan sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ via Zoom nitong Huwebes.

Maghaharap ang defending champion Chessmis TV Chess Team at Cosbusters Philippines Corp. Chess Team para sa titulo ng Philippine Chess League (PCL) Season 2 online chess tournament ngayon sa Lichess Platform.

Giniba ng Chessmis TV Chess Team ang Surigao Diamond Portrait Knight Chess Team, 250-211 puntos habang angat ang Philippines Corp. Chess Team kontra sa San Miguel Chess Association, 244-180, puntos.

Nangibabaw sa laro si Anatoly Pascua, dating top player ng University of Santo Tomas chess team, na tumapos ng 17 points sa Fischer random chess o mas kilalang Chess960 Semi Finals Game 2 Linggo ng gabi na ipinatupad ang five minutes plus two seconds increment time control format.

Nag ambag naman sina Junmark Baldesimo, Alji Cantonjos at Reynaldo Aba-a ng 14, 13 at 12 markers ayon sa pagkakasunod.

Kasama din sa tumulong sa Chessmis TV ay sina Kharl Manliguez (11 pts.), Adrian Yulo (10 pts.), Nazario Ubanan (9 pts.), playing coach Jimmy Dano (6 pts.), Bobby Salomon (6 pts.), Arian Belly Calido (5 pts.), Lexis Bruce Portacion (5 pts.), John Chua (3 pts.) at Michael Tinga (3 pts.).
Si Christian Mendoza ang kumana ng 10 points sa kiddies division habang naikamada naman ni Ma.Arlene A.

Antiquina Ablin ang 3 points sa Female category.

Samantala ay nagsanib puwersa sina Adrian Esteva (10 pts.), playing team manager Jezreel Lopez (9 pts.), Freddie Talaboc (9 pts.) at Ervil Villa (8 pts.) para rendahan ang Cosbusters Philippines Corp. sa 97-91 victory kontra sa San Miguel Chess Association.

“We are very happy because we thought we were lucky to advance to the finals,” sabi ni Ereno sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR.RICO NAVARRO