Manila, Philippines – Pinilit ng Commission on Audit (COA) ang pamunuan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang kasuhan ang mga opisyal na nasa likod ng maanumalyang ginastos nito sa ASEAN Summit noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng P38.8 million.
Ayon sa audit noong 2017, sinabi ng COA na ang rental o lease ng IT equipment para sa P4.04 million ay napakamahal kumpara sa presyo nito kapag binili na umaabot lamang sa P946,872 at presyo ng handmade na sabon mula sa tatlong suplayer na lubhang mataas din ang presyo sa inaprubahang budget na P758,000.
Kinuwestyon din ng COA ang purchase orders and payments na nagkakahalaga ng P27.5 million at P7.26 million para sa iba’t ibang goods/services at renta ng mga van.
“We recommended that management file the appropriate charges against any erring officials, as prescribed under Section 65.1 of the Revised Implementing Rules of Republic Act 9184, for taking action that favored a particular supplier/s,” sabi ng COA. (Remate News Team)