PCOO nag-abiso sa halos 140 COS employees sa posibleng ENDO sa Hunyo 30

PCOO nag-abiso sa halos 140 COS employees sa posibleng ENDO sa Hunyo 30

May 23, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ngayon pa lang ay nag-abiso na ang Presidential Communications Operations Office (PCCO) sa may 140 mga COS employees nito ukol sa posibilidad ng kanilang End of Contract o ENDO sa darating na Hunyo 30.

Ito ang sinabi ni PCOO Undersecretary at Acting Deputy spokesperson Kris Ablan sa gitna ng transition of leadership sa lahat ng government office.

Sinabi ni Ablan na karamihan sa mga apektado ay nasa field ng media creativity gaya ng graphic artist, editor at videographer.

Aniya pa, nagsumite na sila sa DBM ng request upang mabigyan sana ng item ang mga maaapektuhang empleyado sa ibat- ibang tanggapan ng PCOO subalit nahirapan sila.

Depende na aniya sa susunod na Kalihim ang pagpapasiya kung kukunin pa ang kanilang serbisyo at sakali mang magdesisyon itong hindi na ay endo na sila ng Hunyo a-trenta.

Ani Ablan, ayaw nilang paasahin ang PCOO COS employees kaya’t nagsabi na aniya sila sa mga ito na kung may malilipatan nang bagong mapapasukan, ay gawin na ito at lumipat na. Kris Jose