PCOO ‘no comment’ sa kaarawan ni Imelda Marcos

PCOO ‘no comment’ sa kaarawan ni Imelda Marcos

July 3, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na hindi sila maglalabas ng anumang detalye  kaugnay sa  birthday celebration ni dating Unang Ginang Imelda Marcos,  ina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na magpapalabas lamang sila ng kalatas kung may kinalaman sa public interest o kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Ang pahayag na ito ng PCOO  ay matapos na magtanong ang Malacañang Press Corps hinggil sa detalye ng  photo releases ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mrs. Marcos.

Ang Unang Ginang ay nagdiwang ng kanyang ika-93 kaarawan, kahapon Hulyo 2.

Nito lamang nakaraang Sabado, nag-post si Pangulong Marcos sa kanyang Instagram ng pagbati sa kanyang ina.

“I join the country in greeting our mother the happiest of birthdays! We wish you continued health, blessings, and joy,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose