PCOO, patuloy na iniimbestigahan ang 5 opisyal na sangkot sa overspending ng 2017 ASEAN Summit

PCOO, patuloy na iniimbestigahan ang 5 opisyal na sangkot sa overspending ng 2017 ASEAN Summit

July 20, 2018 @ 4:27 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Patuloy na iniimbestigahan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang limang opisyal nito na di umano’y sangkot sa overspending sa ASEAN Summit noong 2017 na ginanap sa bansa.

Lumabas kasi sa report ng Commission on Audit (COA) na umabot sa 700% ang itinaas sa gastos ng PCOO sa ASEAN events partikular na ang maintenance and other operating expenses (MOOE) ng PCOO na umabot sa P1.3 billion kumpara sa P156.67 million noong taong 2016.

Sinasabing 8 beses ang itinaas ng 2017 MOOE ng PCOO kumpara noong 2016.

Hindi naman masagot ni PCOO Usec. for Legal Affairs Marvin Gatpayat kung sinu-sino ang mga opisyal na kasalukuyang hinihimay ng PCOO subalit tiniyak niya na ilalabas nila ang resulta ng imbestigasyon matapos ang 10 araw mula ngayon.

“Its under investigation. To avoid any trial by publicity, we will just announced their names at the proper time,” ani Usec. Gatpayat.

Tiniyak nito na handa naman ang PCOO na sampahan ng kaso ang mga sangkot sa overspending” sa ASEAN events kung may matibay na ebidensiya na susuporta nito.

Isasapubliko aniya ng PCOO ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

May opsyon naman aniya ang COA na  paimbetsigahan nito sa Ombudsman ang nabanggit na usapin.

“We will conduct our investigation and penalize people who violated any government laws,” diing pahayag nito.

Sa kabilang dako, hindi naman masabi ni Usec. Gatpayat kung nagta-trabaho pa rin sa PCOO ang mga ito.

Magpapalabas na lamang aniya sila ng kalatas ukol dito sa tamang panahon.

Aniya, kaagad silang nagsagawa ng imbestigasyon noong Abril 2018  matapos na ipalabas ng COA ang Audit Observation Memorandums (AOMs) noong Marso.

Sinabi nito na isa-isa nilang  ipinaliwanag  at sinagot sa COA ang mga tanong na may kinalaman sa  usaping ito.

“We explained to them the reasons behind the actions because they were saying that we did this splitting, that the we favored some suppliers. So we answered it one by one, the concerned officials answered it and submitted their answers to the COA,” aniya pa rin.

Sa ulat, inirekumenda ng (COA) ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal PCOO.

Ito ay makaraang makitaan ng anomalya ng COA ang paggastos ng PCOO sa pondo na ginamit para sa ASEAN Summit noong 2017 na ginanap sa bansa.

Sa audit report ng COA, partikular na tinukoy ng COA ang paggastos ng PCOO ng P27,503,535.40 para sa pagbili ng mga gamit at pagbayad sa mga serbisyo at P7,265,450 na ginamit naman sa pagrenta ng mga van.

Kinuwestyon din ng COA ang PCOO sa pagrenta nito ng IT equipment kung saan umabot sa P4,039,140 ang ginastos.

Ayon sa COA, mas nakatipid pa sana ang PCOO kung bumili na lang ito ng mga IT equipment kaysa nagrenta.

Lumilitaw kasi sa imbestigasyon ng COA na P964,872 lang sana ang nagastos kung binili ang mga gamit.

Sa ipinalabas namang kalatas ni PCOO Sec. Martin Andanar na binasa ni USec. Gatpayat ay sinabi nito na ginagalang at pinupuri ng Malakanyang ang pagkakatuklas  ng Commission on Audit (COA)  sa naging sobrang gastos ng the Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa ASEAN Summit noong 2017 na ginanap sa bansa.

Nadiskubre kasi nng COA ang paggastos ng PCOO ng P27,503,535.40 para sa pagbili ng mga gamit at pagbayad sa mga serbisyo at P7,265,450 na ginamit naman sa pagrenta ng mga van.

Kinuwestyon din ng COA ang PCOO sa pagrenta nito ng IT equipment kung saan umabot sa P4,039,140 ang ginastos.

Sa kalatas na binasa ni PCOO Usec. for Legal Affairs Marvin Gatpayat, sinabi nito na mandato ng COA na tiyakin ang tamang paggasta o paggamit  ng pondo ng pamahalaan ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ang COA findings aniya ay sumasakop sa procurement activities na may kinalaman sa ASEAN events kung saan itinalaga ang PCOO para tiyakin na maayos ang magiging operasyon ng Committee of Media Affairs and Strategic Communications (CMASC).

Dahil sa lawak ng responsibilidad ng ng CMASC nagtalaga ng dalawang deputy officials para sa regular operations ng PCOO.

Sa ikatlong linggo pa lamang ng Enero 2018 ay nakatanggap na sila ng ulat na may ilang kakulangan sa pasya sa paggasta sa ASEAN event.

“An office order of the PCOO was thus issued on 12 February 2018 reconstituting the PCOO-BAC and PCOO-BAC II, effectively replacing their respective Chairpersons,” ang nakasaad sa kalatas.

Nitong Marso 2018, nakatanggap ang  PCOO ng  Audit Observation Memorandums (AOMs) kaugnay sa procurement irregularities.

Sa utos na rin ni Sec. Andanar ay nagsimula na ang PCOO Legal Department ng imbestigasyon sa bagay na ito.

Nagpalabas kaagad ng show cause memorandum na sinundan ng imbestigasyon.

“To strengthen our procurement process, and to comply with the observations of the COA, we also created an interim procurement service unit (PSU). The PSU is already performing support functions in relation to the preparation of supporting documents and to ensure strict compliance with the Government Procurement Reform Act,” aniya pa rin.

Samantala, makakaasa naman ang publiko na gagawin lahat ng PCOO ang  lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang integridad ng PCOO. (Kris Jose)