PCOO, walang ideya kung bakit naantala ang rehabilitasyon sa Marawi City

PCOO, walang ideya kung bakit naantala ang rehabilitasyon sa Marawi City

July 10, 2018 @ 9:47 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Walang ideya si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na naantala ang rehabilitasyon ng Marawi City.

Nagulat si Sec. Andanar na maging ang kanilang tanggapan ay walang alam kung bakit nahinto ang pagtatayo ng mga bagong imprastukturang proyekto sa nasabing siyudad.

Ayon sa Kalihim, agad niyang idudulog ito kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil na rin sa impormasyong nakalap niya mula kay Task Force Bangon Marawi Sec. Eduardo del Rosario.

Nauna nang sinabi ni Task Force Asec. Felix Castro na nagpalit sila ng proposed developer na Power China matapos ma-disqualify ang Bangon Marawi Consortium. (Kris Jose)