PCSO nag-ambag ng P2.5B sa UHC

PCSO nag-ambag ng P2.5B sa UHC

September 13, 2022 @ 7:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Gagamitin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P2.5 bilyong piso na iniremit ng Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO) sa Bureau of Treasury para palakasin ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni PCSO Gen. Manager Melquiades Robles na ang kontribusyong ito ng kanilang tanggapan ay ilalaan para suportahan ang implementasyon ng UHC.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na nagremit ng ganitong halaga ang PCSO sa Bureau of Treasury mula sa kanilang charity fund.

Samantala, tinanggap naman ni PhilHealth spokesperson Dr. Shirley “Gigi” Bajamonde ang tseke mula kay PCSO general manager Mel Robles.

“We are very happy to be the recipient of these funds from PCSO. We have lined up several benefits for the use of these funds. These funds will be transmitted to the Treasury and will be remitted to PhilHealth through the national subsidy for benefit improvement,” ayon kay Bajamonde.

Aniya, ang nasabing halaga ay hiwalay na subsidya mula sa pagpopondo ng General Appropriations Act na ginagamit para sa premiums ng indirect contributors.

“This fund is specifically for benefit improvement and will not in any way be used for any admin[istrative] expense. So, we’re very happy that we will be receiving these funds because it will translate to better financial protection of all our members,” dagdag na pahayag ni Bajamonde.

Aniya pa, “P2.5 billion fund will not be used to pay reimbursement claims mostly for services rendered to Covid-19 patients but will be part of the “special fund in the coffers of PhilHealth.”

“It will be used only, specifically for benefit improvement. And in fact, we’ll be coming out with a medium-term expenditure plan for these funds from PAGCOR [Philippine Amusement and Gaming Corporation] and PCSO with the coordination and approval also of the two agencies,” sinabi ni Bajamonde.

Inaasahan naman na ang pondo ay makapagpapataas ng dialysis sessions para sa mga pasyente, orthopedic benefits, at mapabubuti ang “Z” benefit package nito na pangunahing tutugon sa catastrophic cases.

Ang Republic Act No. 11223 o ang “Universal Health Care (UHC) Law [1],” na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-20 ng Pebrero 2019 ay nangangahulugan ng isang malawakang reporma sa sektor ng kalusugan sa Pilipinas.

Sinasabi ng batas na ito na awtomatiko nang miyembro ng National Health Insurance Program o NHIP ang lahat ng Pilipino. Sa pamamagitan ng “immediate eligibility” na ito ay magkakaroon ng access ang mga Pilipino sa kabuuang serbisong pangkalusugan. Kasama na dito ang preventive, promotive, curative, rehabilitative, and palliative care.

Nakasaad din dito ang mga serbisyo katulad ng libreng konsultasyon, laboratory tests at diagnostic services.

Ang bawat filipino ay maaring pumili ng kanilang health care provider na pwede nilang puntahan sa para sa konsultasyon at pagpapagamot. Samantala, hindi na kailangan pang ipakita ang PhilHealth ID para maavail ang mga ganitong benepisyo. Kris Jose