PCSO: STL ops sa Ilocos Norte at Nueva Vizcaya, balik-operasyon na

PCSO: STL ops sa Ilocos Norte at Nueva Vizcaya, balik-operasyon na

September 16, 2020 @ 2:29 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinahintulutan na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)  ang perasyon ng mga Small Town Lottery (STL) sa piling lugar sa bansa.

Sa inilbas na STL announcement ni PCSO General Manager Royina Garma, nabatid na kabilang sa magbubukas na ng operasyon ang Lucky Pick Amusement & Development Inc. sa Ilocos Norte gayundin ang King’s 810 Gaming Corporation sa Nueva Vizcaya.

“The public is hereby informed that effective September 16, 2020, the Small Town Lottery (STL) operations will resume in the following areas only,” batay sa nakasaad na anunsiyo ni Garma. “1. Province of Ilocos Norte: Lucky Pick Amusement & Development, Inc.; 2. Nueva Vizcaya: King’s 810 Gaming Corporation.”

Magpapatupad rin ng health and safety protocols na naayon sa Inter Agency Task Force (IATF), mga concerned local government units (LGUs) at maging ng PCSO, upang maiwasan ang posibleng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi rin ng opisyal, kung sakaling muling magpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) o modified enhanced community quarantine (MECQ), sa kanilang lugar ay awtomatiko ring masususpindeng muli ang operasyon ng STL doon.

Samantala, idinagdag pa ni Garma na mananatili pa ring suspendido ang operasyon ng lahat ng STL areas na hindi nabanggit sa kanilang anunsiyo.

Nagpasalamat rin naman ang PCSO sa publiko dahil sa patuloy na pagsuporta at pagtangkilik sa kanilang mga gaming products, gaya ng STL, Lotto at Digit games, Keno at Instant Sweepstakes Scratch It Tickets. Toto Nabaja


  •  
  •  
  •  

Loading...