PDEA, DDB bukas sa usapin ng medical marijuana

PDEA, DDB bukas sa usapin ng medical marijuana

September 28, 2022 @ 4:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bukas ang anti-drug agencies na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa usapin ng paggamit ng medical cannabis o marijuana.

Sa pagdinig ng proposed 2023 budget ng dalawang ahensya na dinaluhan nina PDEA Dir General Secretary Wilkins Villanueva at DDB Secretary Catalino Cuy, muling iginiit ni Senador Robin Padilla ang paggamit ng medical cannabis bilang gamot sa mga nangangailangan nito na may sakit.

Sa naturang pagdinig, nagpahayag ang PDEA at DDB na hindi pa naman nila isinasara ang usaping ito na gamitin ang marijuana sa medisina.

Ikinatuwa naman ni Padilla ang naging pahayag ng mga ito.

Iginiit naman ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na maari naman na magamit ang medical cannabis bilang gamot sa ilang sakit at nakatutok pa rin umano ang PDEA sa paghuli sa mga gagamit nito sa illegal na paraan.

Lumusot naman sa Committee Level ang proposed 2023 budget ng PDEA na P3.167 bilyon at DDB naman na P447 milyon. Cesar Morales