PDEA member nasawi sa operasyon

PDEA member nasawi sa operasyon

October 22, 2022 @ 1:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinawing-palad ang isang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency – Region III matapos magsagawa ng drug buy-bust operation na nagresulta sa armadong engkwentro sa Brgy. San Francisco, Mabalacat City, Pampanga

Isinagawa ang operasyon alas-8:30 ng gabi nitong Biyernes, Oktubre 21.

Ang target ng operating units ng PDEA ay ang suspek na si Buna Angnie at Noim Daracab na napatay din ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang isang pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu.

May timbang itong nasa 50 gramo na may street value na P340,000, boodle money at kalibre .45 na pistola.

Batay sa report, nagsagawa ng buybust operation ang mga elemento ng PDEA RO-III Pampanga na nagresulta sa armadong komprontasyon na nagresulta sa pagkamatay ng target personality, subalit nasawi din si Agent Daniel Discaya na dead on the spot na siyang nagpanggap bilang poseur buyer.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo na kanyang dagliang ikinasawi. Val Leonardo