PDEA multi-drug test mas mainam para sa ‘unquestionable’ result – Sotto

PDEA multi-drug test mas mainam para sa ‘unquestionable’ result – Sotto

November 25, 2021 @ 1:30 PM 3 days ago


Manila, Philippines — Inabisuhan ni Senate President at vice presidential bet Vicente Sotto III ang iba pang aspirant na magsagawa ng multi-drug test sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay kung nais nila ng “unquestionable” results ikaysa sa pagpapasuri sa private clinics.

“Ang pinakamaganda, dahil ito pinaguusapan natin top two positions in the land, kailangan dito transparent. So ang pinakamaganda yung sa PDEA,” saad ni Sotto sa online press conference.

“Salamat naman at sumusunod na yung iba, kaya lang sana ganun din ang gawin ng iba, sa PDEA sila.”

Nagbabala rin ito sa mga magpapasuri sa private drug testing centers o clinics na maaaring maglabas ng “unreliable” results.

“Ang ginawa namin, sinuguro ko na unquestionable yung sistemang ginamit namin. At ang unquestionable is pumunta ka sa PDEA. Doon mismo kasi may system kung papanong gagawin.”

“Hindi pwedeng basta drug testing center o kung saang clinic lang, hindi reliable yun. Una yung drug testing na ginagamit, pang-shabu lang or pang-marijuana lang, yun ang pinaka common e. Yun ang common drug testing kit nationwide,” dagdag pa nito.

Aniya, sa PDEA ay makapagde-detect ng kahit anong drug test.

“Kung ano ang resulta nun, tunay ang resulta. At lahat ng droga, naka-target. Multi-drug yun.”

“Bukod don, yung pati yung paglalagay ng sample, ikaw ang maglalagay ng pangalan, ikaw magsi-seal. Ganoon kahigpit yung sa PDEA. Kaya yun ang pinili namin at yun ang dinesisyunan namin na dun na kami magpa-drug test. Unquestionable,” paliwanag pa nito. RNT/FGDC