PDEA, nangakong magsusumite ng illegal drugs report sa ICC, human rights groups

PDEA, nangakong magsusumite ng illegal drugs report sa ICC, human rights groups

March 30, 2022 @ 6:25 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsusumite ito ng report ukol sa mga iligal na droga na pumapasok sa bansa sa mga human rights group at sa International Criminal Court (ICC).

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDEA at iba pang law enforcement agencies na magsumite ng ulat nang sa gayon ay makita ng mga kritiko ng war on drugs ang tone-tonelada iligal na droga na pumapasok sa bansa.

“As President Rodrigo Roa Duterte previously stated, the PDEA shall act in accordance with his directive to submit an up-to-date report on the volume of seized illegal drugs, most especially methamphetamine hydrochloride, or shabu, in the Philippines to the ICC and local human rights groups,” pahayag ng ahensya.

“Rest assured that PDEA is ready, willing, and able to present any appropriate data related to the national anti-drug campaign when solicited,” dagdag nito.

Samantala, iniulat kamakailan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa 1,162 anti-illegal drugs operations ang naikasa mula Marso 20 hanggang 26.

Kabuuang 72 indibidwal naman ang kusang sumuko sa mga awtoridad habang 1,627 ang inaresto.

Walang namang nasawi sa operasyon habang nasa P453,203,447 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa mga nasabing operasyon. RNT/ JCM