PDEA nasiraan lang kaya nakatigil; Pulis-QC nagsimula ng putukan

PDEA nasiraan lang kaya nakatigil; Pulis-QC nagsimula ng putukan

February 27, 2021 @ 8:21 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat na nag-overheat ang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency kung kaya’t nakatigil sa parking lot ng isang fast food branch sa Commonwealth Avenue nang biglang barilin ng mga armadong lalaki ang kanilang asset na nagsasagawa ng buy-bust operation.

Sa inisyal na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation, ang gunmen na nakipagpalitan ng putok sa PDEA agents ay pawang mga miyembro ng  Quezon City Police District.

 “Their asset allegedly continued to work on the hand-off despite their struggle to repair the car inside the McDonald’s parking lot. Moments later, an unknown malefactor approached the PDEA asset and immediately shot the latter,” saad sa initial report.

“As gunfire ensured, the PDEA agents managed to call for back up, however, overpowered by superior members of QCPD policemen surrounding the vicinity of the crime scene.”

“The PDEA further claimed that upon their back up’s arrival, the QCPD arrested the PDEA reconnaissance team and started to inflict harm, causing serious wounds and injuries to the PDEA reconnaissance team,” dagdag pa rito.

Nasawi naman ang dalawang agent ng PDEA na kinilalang sila Gano at De Quirros at isa pa nilang asset. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •