PDEA target, gang leader nadakma sa SJDM

PDEA target, gang leader nadakma sa SJDM

February 22, 2023 @ 7:56 PM 1 month ago


Bulacan – Arestado ang tulak na kabilang sa PDEA target list at notorious criminal gang leader sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ang naarestong suspek na si Abelardo Batingan, 56, alyas Abel, Top 10 sa PDEA target list.

Sa report, naaresto ang suspek na si Abel sa ikinasang buy-bust operation ng SJDM police nitong Pebrero 21, sa Brgy. Graceville.

Narekober sa suspek ang pitong sachet na hinihinalang shabu na may estimated value na P40,800.00 at marked money.

Huli rin ng mga awtoridad ang itimuturong “Coplan Sproat” gang leader na si Vincent Delos Santos sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery sa kaparehong petsa na inisyu ng RTC Branch 78, SJDM.

Sinasabing ang naturang gang ay kilala sa mga iligal na aktibidades at nakawan sa ibat-ibang lugar. Dick Mirasol III