PDLs hinikayat ng BJMP na magparehistro sa 2023 elections

PDLs hinikayat ng BJMP na magparehistro sa 2023 elections

December 11, 2022 @ 1:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections, hinikayat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga persons deprived of liberty (PDL) na magparehistro na sa papalapit na pagbabalik ng voter registration.

“Ang pagboto ay isang karapatang pantao na lubos na pinapahalagahan ng BJMP. Ito ay upang masiguro na walang mapagqiiwanan sa ating mga kababayan lalo na yung mga nasa piitan,” ayon kay BJMP chief Jail Director Allan Iral.

“Sa muling pagbubukas ng voter’s registration bukas, makiisa po tayong lahat na mga kwalipikado ng bumuto na magparehistro,” dagdag na pagsisiguro niya.

Matatandaan na noong Marso 22, pinayagan na ng Supreme Court ang Commission on Elections sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9371 na makaboto ang mga PDL sa kapwa national at local elections.

Sa ilalim ng panuntunan ng Comelec, ang PDL ay kwalipikadong makapagparehistro kung ito ay edad 18-anyos pataas sa araw ng eleksyon at may minimum na anim na buwan nang namamalagi sa jail facility o detention center.

Dagdag pa, kwalipikado ang PDL kung:

– Confined in jail facility or detention center

– Formally charged for any crime and awaiting or undergoing trial

– Serving a sentence of imprisonment for less than one year;

– or whose conviction is on appeal.

Dagdag pa, sa ilalim ng Resolution No. 10711, maglalaan ang Comelec ng isang araw na special satellite registration (SRR) sa preso na may 1 hanggang 249 qualified PDL registrants.

Tatlong araw naman ang ilalaan sa mayroong 500 hanggang 749 registrants, apat na araw sa bilangguan na may 750 to 999 registrants at limang araw sa mayroong mahigit 1,000 qualified registrants. RNT