PDLs sa MCJ tinuruang maging brodkaster

PDLs sa MCJ tinuruang maging brodkaster

March 14, 2023 @ 5:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagsagawa ng isang programa ang pamunuan ng Manila City Jail para sa mga inmates o persons deprived of liberty.

Ayon sa MCJ, tinuruan ang mga PDLs ng radio broadcasting training na maari nilang magamit sa hinaharap.

Ayon kay JO1 Elmar Jacobe mula sa Manila CityJjail Public Information Office-layon ng naturang programa na mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga PDLs.

Ibinahagi sa mga PDLs ang pamamaraan ng pakikipag- usap at pananalita sa radyo para maging kaaya ayang pakinggan, ayon kay Jacobe.

Giit ng Manila City Jail – sa pamamagitan ng radio broadcast training ay nabibigyan ang mga PDLs ng gabay sa mga maari nilang tahaking trabaho sa oras na sila ay makalaya sa piitan. Jocelyn Tabangcura-Domenden