PDP-LABAN AT PAYOLA SA CORDILLERA REGION

PDP-LABAN AT PAYOLA SA CORDILLERA REGION

July 26, 2018 @ 7:58 PM 5 years ago


Kamakailan ay umuusok ang ilong sa galit nitong si ProCor Regional Director (RD) Gen. Rolando Nana dahil may isang gago na umuurot sa kanya.

Kaya sa init ng ulo, lahat ng mga pasuĀ­galan sa rehiyon ay pinatigil niya. Ito palang isa sa mga miyembro ng PDP-Laban sa Cordillera Administrative Region na si Jun Suklay ay tumatanggap daw ng payola sa mga iligal na pasuĀ­galan (hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito na nabalitaan natin diyan sa Baguio City).

Ang balita, malaki raw ang lingguhang payola na natatanggap ng gunggong na ito kaya pati si RD ay kinukulit nito na palakihan ang ibinibigay sa kanya ng mga ā€˜lord of lordsā€™ ng ProCor.

Eh, mukhang hindi pa yata nasisiyahan sa nakukuhang lingguhang payola ng gunggong at gusto pa yata ay abot hanggang langit ang ibigay sa kanya dahil wala pa raw roon ang para sa partido na ipinagmamalaki niya – ang PDP-Laban.

Katakaw naman ng mamang ito. Biruin ninyo, pati ba naman si RD Nana na tahimik na ginagampanan ang tungkulin sa buong Cordillera region ay inutusan niya na kausapin ang mga iligalista na dagdagan ang ibinibigay para sa kanya (Eh, kung hindi ba isang gago’t kalahati ito?)

Kaya ayun, sa galit ni RD, ipinasara niya ang lahat ng mga iligal na pasugalan sa buong rehiyon gawa ng gunggong na nagpapakilalang Presidente ng partido ng PDP-Laban.

Sa halip na tulungan ni Suklay si RD na manatiling malinis ang partido ng PDP-Laban sa ProCor, siya pa mismo ang nanguĀ­ngunang nagpaparumi. Aba, ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korap sa kanyang gobyerno!

SI PD AT VK SA TARLAC

Sa Tarlac naman, patuloy ang operasyon ng mga video-kaĀ­rera ni alias Unyo sa mga bayan ng nasabing lalawigan.

Hindi man lamang umaaksyon si Tarlac Provincial Director S/Supt. Richie Medardo Posadas kahit na inirereklamo ito ng mga Tarlakenyo.

Palibhasa ay malaki ang nakukuha na ganansya sa nasaĀ­bing mga makina o vk? Aksyon, PD Posadas, ā€˜di ‘yung puro ka na lang sa opisina mo kung totoong wala kang ganansya riyan.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected] ā€“ JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA