PDP-Laban party maaaring mabura na lang – Rep. Castro

PDP-Laban party maaaring mabura na lang – Rep. Castro

July 28, 2018 @ 3:19 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa nangyayaring kaguluhan sa leadership ng PDP-Laban, hindi malabong maglaho na lamang ito bilang isang partido.

Ito ang obserbasyon ni House Deputy Speaker Fredenil Castro sa harap na rin ng isinagawang eleksyon ng ilang miyembro at opisyal ng partido kung saan tinanggal sa pwesto sina dating house speaker Pantaleon Alvarez bilang Secretary-General at Sen. Koko Pimentel bilang Pangulo ng partido.

“With this development baka mabura na naman ang PDP-Laban on the face of the political landscape or kung hindi man mabura its membership will tremendously dwindle,” paliwanag ni Castro.

Aminado si Castro na dahil may problema sa PDP-Laban ay hindi malabong magtalunan ang mga ito sa Hugpong ng Pagbabago Party ni Davao City Mayor Sara Duterte at kapag nagkataon umano ay maaaring maging national level na ang HNP at hindi na isang regional party lamang.

Una nang kinumpirma ng PDP-Laban na magkakaroon ng reorganisasyon sa kanilang partido kasunud ng pagkakatanggal kay Alvarez bilang House Speaker. (Gail Mendoza)