PDP-Laban pinuri ang liderato ni PDu30

PDP-Laban pinuri ang liderato ni PDu30

June 30, 2022 @ 11:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa kanyang huling gabi bilang Pangulo ng bansa, dumalo si Outgoing President Rodrigo R. Duterte sa thanksgiving dinner sa Makati City na inorganisa ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Si Duterte ang chairman ng nasabing partido, Cusi wing.

Sa isang kalatas, sinabi ng PDP-Laban na nagpaabot ng pagbati ang mga miyembro ng partido kay Pangulong Duterte san kanyang matagumpay na liderato at
good governance sa bansa lalo na sa panahon ng matinding krisis dulot ng Covid-19 pandemic.

Binalangkas naman ng mga opisyal at miyembro ang mga programa ni Duterte na iiwanan sa susunod na administrasyon gaya ng paglaban sa korapsyon, ilegal na drioga at krimen, ‘Build, Build, Build’, kapayapaan, and katahimikan sa rehiyong Mindanao at sa buong bansa.

Nagpahayag din ang liderato ng PDP Laban ng ” full supoort” at pagkakaisa sa administrasyon ni resident-elect Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr. at Vice-President-elect Sara Duterte.

“The victory of President Bongbong Marcos is also the victory of every Filipino,” ang nakasaad sa kalatas. Kris Jose