PDRRMO sa oil spill sightings: Walang fishing ban sa Palawan

PDRRMO sa oil spill sightings: Walang fishing ban sa Palawan

March 13, 2023 @ 5:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang idinedeklarang fishing ban sa Palawan sa kabila na makakita ng bakas ng langis sa isang bayan sa nasabing probinsya na may kaugnayan sa lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Jerry Alili nitong Lunes, Marso 13, na hindi dapat ikabahala ang nakitang oil slick sa ilang lugar sa probinsya at agad naman itong napigilan.

ā€œSa ngayon, wala pang pinatutupad na fishing ban dahil nga sa ā€˜yung volume na nakita natin ay hindi ganon ka-significant,ā€ aniya.

Sa kabila nito, nagsagawa naman ng pagsusuri ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang malaman ang kalidad ng tubig sa mga apektadong lugar.

Nitong Biyernes, Marso 10, umabot na sa Barangay Casian, Taytay, Palawan ang langis na mula sa lumubog na MT Princess Empress, 159 nautical miles o 295 kilometro mula sa Naujan, lugar ng pinaglubugan nito.

Ani Alili, nasa 100 hanggang 150 litro ng langis ang nakolekta mula sa dalampasigan ng Caluag.

Gumawa na ng improvised oil spill boom ang ilang munisipalidad sa Palawan upang mapigilan pa ang mas matinding pinsala lalo na sa mga tourist destinations.

Sa Oriental Mindoro, ipinagbabawal na ang pangingisda sa mga lugar na apektado ng oil spill dahil sa posibilidad ng water toxification.

Dahil dito, apektado rin ang hanapbuhay ng mga mangingisda. RNT/JGC