PDU30, bibisitahin ang mga napatay na PDEA agents

PDU30, bibisitahin ang mga napatay na PDEA agents

October 8, 2018 @ 11:23 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Personal na makikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa burol ng limang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na inambush at napatay sa Lanao del Sur.

Ayon kay Special Assistant to the President secretary (SAP) Bong Go na dadalaw muna ito sa burol ng mga napaslang na PDEA agents bago bumiyahe ang Pangulo para dumalo sa ASEAN summit sa Bali, Indonesia.

Sa nangyaring ambush ay lima ang napatay ng hinihinalang drug syndicates at dalawa ang sugatan matapos silang paulanan ng bata sa barangay Malna, Kapai, Lanao del Sur noong Biyernes.

Aniya, magiging abala ang schedule ng Punong Ehekutibo ngayong linggong ito, at bago magtungo sa Indonesia ay nais muna niyang mabisita ang mga napatay na PDEA agents.

“Bago tutungo ng Bali, Indonesia ang Pangulo ay bibiistahin yung PDEA agents na inambush ng drug syndicates sa Lanao,” ang pahayag ni Go.

Labis namang ikinalungkot ng Malakanyang ang malagim na insidente at umaasang mahuhuli ng mga otoridad ang mga salarin.

Naging ugali na ng Chief Executive na bisitahin ang mga napapatay na pulis o sundalo lalo na kung may kinalaman ito sa kanyang kampanya kontra droga./Kris Jose