PDu30 bumisita sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao

PDu30 bumisita sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao

October 29, 2020 @ 9:58 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Davao City, Philippines – Nagawa na ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte na bisitahin ang puntod ng kaniyang mga magulang sa Davao City.

Sa text message  ni Senador Bong Go, sinabi nito na bandang alas-6:00 ng gabi, kagabi, araw ng Miyerkules nang bisitahin ng Pangulo ang puntod ng kanyang mga magulang.

Ito’y  isang araw bago ang simula ng isang linggong pagsasarado ng mga sementeryo at crematoriums sa bansa dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Base  mga larawan na ibinahagi ni  Go, makikitang nakasuot ng face mask ang Pangulo kung saan hawak ang mga lumang litrato ng kaniyang mga magulang.

Matatandaang sa kaniyang public address noong Martes ay nanawagan ang Pangulo ng mapayapa at ligtas na paggunita sa Undas.

Samantala, ipinaalala naman  ng Department of the Interior and Local Government na sarado ang mga sementeryo, memorial parks at kolombaryo mula ngayong araw,  October 29-November 4.

Ito ay alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao sa panahon ng COVID-19.

Dahil dito ay nakiusap si DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa publiko na makipagtulungan upang maiwasan ang siksikan sa mga sementeryo, memorial parks at kolombaryo lalo na at huling araw na ngayon bago magsara ang mga ito ngayong araw.

Sinabi ni Malaya na nasa 30% lamang ng capacity ng mga sementeryo, kolombaryo at memorial parks ang papayagan, at dapat ay masunod ang minimum health standards.

Ibinahagi naman ng opisyal na sa kanilang pag-momonitor ay sumusunod naman ang mga tao sa mga polisiya. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...