PDu30 ‘consistent’ sa pagtataguyod ng human rights- Medialdea

PDu30 ‘consistent’ sa pagtataguyod ng human rights- Medialdea

December 10, 2021 @ 4:51 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Consistent si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapatupad ng mga polisiya na nagsusulong sa karapatang-pantao.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa pagdiriwang ng International Human Rights Day.

Tinukoy ni Medialdea ang pagpapasa ng batas gaya ng Free College Education, Universal Healthcare Program, at maging ang infrastructure program, cash aid sa gitna ng COVID-19 pandemic at COVID-19 response ng gobyerno, at maging ang anti-drug war, anti-terrorism, at anti-corruption initiatives.

“The President consistently introduced and implemented programs to reduce inequalities and advance human rights,” ayon kay Medialdea.

“The success of these endeavors benefited our people who deserve protection and justice. The President made a promise that his administration will pursue social justice, and we all have seen those promises fulfilled even in the midst of a pandemic,” dagdag na pahayag nito.

Ang drug war ng administrasyong Duterte sa kabilang dako ay nahaharap sa masusing pagsisiyasat mula sa International Criminal Court (ICC) bunsod ng mga reklamo na isinampa ng mga pamilya at biktima ng drug war killings.

Ang reklamo na di umano’y nagawa ng administrasyon ay crimes against humanity sa drug war nito.

Ipinagpaliban naman ng ICC ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyon dahil na rin sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas. Kris Jose