PDU30, gabinete magpupulong ngayon ukol sa hirit na time-out ng health workers

PDU30, gabinete magpupulong ngayon ukol sa hirit na time-out ng health workers

August 2, 2020 @ 3:26 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Makikipagpulong ngayon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga key cabinet member para pag-usapan ang sulat ng frontliners sa Chief Executive.

“I will make the proper announcement in due course,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Nauna rito, nagpulong naman kagabi, Agosto 1 sina Executive Secretary Salvador Medialdea at mga miyembro ng gabinete na sina Secretary of Budget and Management Wendel Avisado, Secretary of Trade and Industry Ramon Lopez, Secretary of Health Francisco Duque, Secretary of Interior and Local Government Eduardo Ano, National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Presidential Spokesperson Harry Roque, Senior Deputy Executive Secretary Michael Ong at Presidential Assistant for Foreign Affairs Robert Borje kung saan ay pinag-usapang mabuti ang concerns ng medical community na muling isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

 

“Recommendations from the aforesaid meeting will be also be submitted tonight for the President’s review,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Vice President of the Philippine College of Physicians na ang rekomendasyon nila ay ibalik sa ECQ ang Metro Manila kahit panandalian lamang o 2 Linggo.

“Bigyan n’yo lang kami ng breathing space. Kasi kami po ang naririyan sa battlefield, kami po ‘yung humaharap at nakakikita ng nangyayari. Kailangang pakinggan kami ng gobyerno.”

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na ang August 1-15 general community quarantine (GCQ) classification ng Metro Manila ay naging ‘subject’ ng debate at matinding talakayan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Naiintindihan aniya ng Malakanyang ang maselan na ‘balancing act’ sa pagitan ng public health at economic health ng bansa lalo pa’t ang Metro Manila at CALABARZON ang pinanggagalingan ng 67% ng ekonomiya.

Ang strict lockdown sa Metro Manila ay nakapagbigay na ng nilalayon nito kaya’t kailangan na paigtingin ang iba pang estratehiya. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...