PDu30 humingi ng paumanhin kay Sen. Sotto sa magulong COVID protocol

PDu30 humingi ng paumanhin kay Sen. Sotto sa magulong COVID protocol

December 30, 2021 @ 4:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa gulo na may kinalaman sa implementasyon ng coronavirus disease (COVID-19) protocols sa Malakanyang.

“Senate President Vicente Sotto. Nandito po kayo. I would like to apologize for the ruckus. Hindi naman kasalanan… they are very strict,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati sa signing ceremony ng P5.024 trilyong national budget para sa 2022.

“Well, that is.. trabaho nila yan. So, if there are lapses, I apologize to you publicly,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

At para malinawan sa pahayag ng Pangulo ay sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang lahat ng bisita at panauhin na nais na makita ang Pangulo o dumalo sa anumang event sa loob ng Malakanyang ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR COVID-19 test result.

“In addition, visitors and guests have to undergo antigen testing inside Malacañang as part of their second screening.,” ayon kay Nograles.

“This forms part of the Palace health and safety protocol,” aniya pa rin. Kris Jose