Manila, Philippines – Humirit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng hanggang Setyembre para pagandahin ang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.
Ang pangako ng Pangulo ay paiikliin sa limang minuto ang biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang Makati.
Gagamitin ng Chief Executive ang infrastructure programs ng gobyerno sa ilalim ng Build Build Build.
Tinukoy ng Pangulo ang pagtapos sa konstruksyon ng elevated expressway.
Aniya, kapag natapos ang naturang proyekto ay gagawin na lamang niyang basurahan ang EDSA.
Magugunitang, sa isang talumpati kamakailan ng Pangulo ay nagpahayag ito ng pagkadismaya dahil hindi niya matupad ang campaign promise na tuldukan ang lala ng trapiko sa EDSA.
Ito ay dahil sa hindi umano siya mabigyan ng Kongreso ng emergency powers./Kris Jose