PDU30, ipinaubaya sa mga kritiko ang pagtakbo sa 2022 elections; pagtakbo bilang VP, panakot lang

PDU30, ipinaubaya sa mga kritiko ang pagtakbo sa 2022 elections; pagtakbo bilang VP, panakot lang

July 13, 2021 @ 7:18 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Ipinaubaya na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga kritiko lalo na kina dating Senador Antonio Trillanes IV at Senador Leila de Lima ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay tila tinuldukan na ng Pangulo ang balita na “open” na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-pangulo.

“Open lang. That is all there is to it. As usual, may I give a little bit of a personal comment dito sa programang ito.
My stand is I am against really the candidacy of my daughter. I want her spared from the itong the vagaries of politics dito sa Pilipinas, lalo na itong mga personalities around in the likes of Trillanes, si De Lima, o — walang ginawa kung hindi mag-atake ng kapwa tao nila.
So I would rather that ibigay ang gobyerno sa kanila,” ayon sa Pangulo.

“Let them win if they… I wish them luck and even wish them win kung manalo sila para kanila na itong gobyerno at gawain nila ang gusto nilang gawin,” dagdag na pahayag nito.

Inamin nito na massaktan siya kapag nabastos na ang kanyang anak.

“Ako, I am… Masasaktan ako ‘pag… Siyempre anak ko. Itong bastos itong bunganga ni Trillanes. Ewan ko kung saan niya nakuha ‘yang katangian na ‘yan. Pati itong si De Lima. She is wallowing in pity and as a consequence of that, she has become virulent almost, virulent talaga ang lumalabas sa bunganga,” anito.

Kaya nga aniya hahayaan n lamang niya ang kanyang mga kritiko ang magsabong sa 2022 elections. Dalangin din niya na manalo ang mga ito upang makita ng mga ito kung papaano patakbuhin ang gobyerno.

“So I would rather na kung sila-sila na lang ang patakbuhin at sila’y manalo, nagdadasal ako niyan at makita nila kung papaano nila patakbuhin ang gobyerno, kung gaano kahirap. Tapos after all your — iyong pagod mo, walang katapusan ang batikos because they can never be satisfied. They can no longer be a — ika nga appease by anything except that they are hungry also for power.,” ani Pangulong Duterte.

“Mabuti’t matikman nila para makita naman natin kung papaano sila mag-perform. How I wish that they would run and they will win,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na mas gusto niya na itabi muna ang kanyang anak o huwag patakbuhin ngayon na ang politika ay “crowded” ng mga tao na gaya nina Trillanes at de Lima.

Maaari aniya na payagan niya ang kanyang anak na si Mayor Sara na tumakbo sa ibang pagkakataon.

“Magandang ano ‘yan. Ako, gusto ko itabi ko na lang muna ang anak ko. Maybe some other time, not at this time when the Philippine politics is crowded with people in the likes of Trillanes tapos ‘yung si De Lima.Gusto ko sila na lang muna. Run at some other time, huwag ngayon kasi wala kang maano dito, mabastos ka lang. It’s not good for a — a woman to be, you know, being — brazen niyong masyadong mga salita at masaktan lang. So as a father, I would not want that to happen to my daughter,” lahad nito.

 Samantala, inamin ng Pangulo na panakot lamang ang sinabi iya na seryoso niyang isinasaisip ngayon ang pagtakbo bilang bise-presidente.

“Ako naman ‘yung vice president ko pantakot lang sa kanila ‘yan. But sabi ko, let us see if it is — kaya ako, if it is good for the country, I will do it. If it does not contribute anything to our Republic, then huwag na lang, magsasayang lang tayo ng oras pati you contribute to the conundrum of the moment,” ayon sa Pangulo. Kris Jose