PDu30 isang ‘hands on’ leader

PDu30 isang ‘hands on’ leader

June 27, 2022 @ 7:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi iniasa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtugon sa mga ‘concerns’ ng bansa at pinakinggan ang pangangailangan ng state agencies.

Sinabi ni Office of Civil Defense administrator Undersecretary Ricardo Jalad, si Pangulong Duterte ay isang “exemplary leader” at palaging ipinadarama ang kanyang presensiya sa lahat ng disaster response activities sa panahon ng kanyang six-year term.

“In every disaster, ‘yung hands-on leadership niya. Talagang nagre-require agad ‘yan ng report sa amin. Pumupunta pa mismo siya dun sa lugar. Kapag andun si Presidente, andun din ang mga Cabinet secretary niya,” ayon Jalad.

Ani Jalad, sa liderato ni Pangulong Duterte, pinagsama ang disaster response ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Pinuri naman ni Jalad ang Punong Ehekutibo sa naging atas nito na magtatag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) backup operation centers sa strategic locations sa Visayas at Mindanao.

Sinabi naman ni Undersecretary Ernesto Carolina, administrator ng Philippine Veterans Affairs Office, na ang pension arrears ay nabayaran at nag-improved ang health care benefits.

“Talaga namang nitong panahon lang niya naramdaman ng mga beterano na binibigyan sila ng pagpapahalaga,” aniya pa rin.

Ang Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ay pinagkalooban ng pondo at sinuplayan ng mga medisina habang nagtayo naman ang Department of Health (DoH) ng veterans’ wards sa lalawigan.

Pinasalamatan naman ni Gemma Sotto, pangulo ng United Filipino Global International, nangangasiwa sa overseas Filipino workers (OFWs), si Pangulong Duterte sa paglagda nito upang maging ganap na batas ang Department of Migrant Workers bill.

Gayundin, pinasalamatan niya si Senador Christopher “Bong” Go na nanguna sa Malasakit Centers sa mga public hospitals sa buong bansa, panibagong malaking tulong aniya para sa mga OFWs. RNT