PDu30 kumpiyansang ‘better days are ahead’ sa pagbaba ng COVID cases sa Pinas

PDu30 kumpiyansang ‘better days are ahead’ sa pagbaba ng COVID cases sa Pinas

December 7, 2021 @ 8:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na “better days are ahead” bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

“There are better days ahead because since Dec. 1, we are having an average of 500 to 600 COVID-cases and the number of active cases continues to go down,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Binigyang-diin din ng Pangulo, ang COVID-19 positivity rate na nasa “downward trend,” kasalukuyang “less than 2%.”

Nagawa rin ng pamahalaan na makapagturok ng 10.2 milyong doses ng COVID-19 vaccines sa buong bansa mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, sa panahon ng massive three-day national vaccination drive.

“[This] is a huge achievement against COVID-19. I would like to thank the doctors, the volunteers and all, of course, Secretary Duque and Galvez, I would like to thank you on behalf of the Filipino people,” ayon sa Pangulo.

Tinukoy nito sina Health Secretary Francisco Duque III at Secretary Carlito Galvez Jr., national vaccine manager.

Aniya, nakatakdang maglunsad ang pamahalaan ng second vaccination drive mula Disyembre 15 hanggang 17.

Samantala, umaasa naman ang Chief Executive na may magandang Pasko ang mga Pilipino ngayong taon.

Masaya siya na patuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.

Tinawag niya itong “milagro” lalo pa’t patuloy na nahaharap pa rin ang bansa sa hamon ng pandemiya lalo na sa pag-usbong ng Omicron variant.

“We are not hoping for the best, but we pray to God that it will not come [Omicron variant] to our shores. But if ever it arrives, we hope we can cope with it just as we did with [other variants of] COVID-19,” pahayag ng Pangulo. Kris Jose