PDU30, maaaring alisin o gawing pribado ang PhilHealth – Sotto

PDU30, maaaring alisin o gawing pribado ang PhilHealth – Sotto

September 17, 2020 @ 10:52 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinag-iisipan ni Pangulong Duterte ang pag-aalis o gawing pribado ang Philippine Health Insurance Corporation ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

“He said he wanted Philhealth abolished or privatized but i said it might be better to wait a few months and see how the new admin[istration] performs,” saad ni Sotto.

Dagdag pa ni Sotto na pinaalam na rin nito ang inihain nitong panukalang magtatalaga sa Finance secretary bilang chairman of the PhilHealth Board of Directors.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong PhilHealth president and chief executive officer si dating National Bureau of Investigation director Dante Gierran.

“He wants to further amend the anti-red tape and ease of doing business law,” lahad pa nito.

“One of the topics discussed was the amendment of certain penal laws to increase the penalties, specifically length of imprisonment for certain crimes. Longer sentences will lead to or will be effective in, lowering crimes,” ayon naman kay Sen. Christopher Go sa isang hiwalay na pahayag.

Ani Go payag umano ang Pangulong humarap sa kongreso upang tumulong sa pagbabalangkas ng batas.RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...