PDu30: Magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa, tumayong nagkakaisa

PDu30: Magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa, tumayong nagkakaisa

April 17, 2022 @ 3:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sambayanang Pilipino ngayong Easter Sunday na makaroon ng pananampalataya sa isa’t isa at maging matatag at nagkakaisa sa journey o paglalakbay bilang tao.

Sa kanyang Easter Sunday message, sinabi ng Pangulong Duterte na ang mga mamamayang Pilipino ay nananatiling “strong and resilient” sa mga hamon na kinahaharap ng mga ito sa nakalipas na taon dahil “we hold firm to the promise of salvation as professed by Jesus Christ.”

“The fulfillment of the Resurrection of the Lord therefore gives us hope and courage to never falter no matter how overwhelming the odds seemingly are,” ayon sa Pangulo.

Dahil dito, hinikayat niya ang sambayanang Pilipino na maging “hopeful of better days” at ipagpatuloy na magtrabaho para sa masigla at maaliwalas na kinabukasan.

Ang Pasko ng Pagkabuhay o Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday, ayon sa Kristiyanismo, ay ang araw ng pagbangon ni Hesus mula sa kaniyang kamatayan.

Ipinagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ang muling pagkabuhay ni Hesukristo sa ikatlong araw pagkatapos na ipako sa krus, gaya ng isinalaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya. … Ang Pasko ng Pagkabuhay ay kilala rin bilang Easter Day, Easter Sunday, Resurrection Sunday, Glory Sunday o Holy Sunday. Kris Jose