PDU30, mga dating opisyal ng nakalipas na administrasyon, nag-reunion

PDU30, mga dating opisyal ng nakalipas na administrasyon, nag-reunion

September 12, 2022 @ 3:17 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nag-reunion sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ilang dating opisyal ng nagdaang administrasyon sa Davao City.

Makikita sa  video na pinost ni  dating Communications Secretary Martin Andanar sa online na kasama ng dating Pangulo sa  Acacia Hotel sa  Davao City  sina dating executive secretary Salvador Medialdea, dating  Agriculture chief William Dar, dating  Labor secretary at ngayon ay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III, dating Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at CEO Vince Dizon, dating  Transportation  chief Arthur Tugade, at dating  Interior and Local Government secretary Eduardo Año.

Present din sa reunion si Senador  Christopher Lawrence “Bong” Go, dating  special assistant to the president (SAP) bago pa naging mambabatas.

“I just want to thank you all again. I couldn’t have made it, the exit, if there were problems such as corruption in my government. There was none. It was smooth,” ang makikitang sinabi ng Pangulo sa kanyang mga dating kasama.

Samantala, sa hiwalay na  social media posts ay makikita na labis na nage-enjoy si Duterte sa  “durian binge” sa isang kainan sa kahabaan ng  Magsaysay Avenue.

Kasama pa rin ni Duterte  ang  kanyang grupo. Kris Jose