PDU30 nagbabala sa iligal na nagbebenta ng COVID vax

PDU30 nagbabala sa iligal na nagbebenta ng COVID vax

July 7, 2021 @ 7:27 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga taong mahuhuling ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na kaagad na parurusahan ang mga ito.

“This is very alarming. We condemn these acts and we will not allow perpetrators to go unpunished,” ayon sa Pangulo.

“I order every relevant authority to investigate this matter thoroughly and press charges accordingly,” dagdag na pahayag nito.

Muling iginiit ng Pangulo na libre ang bakuna na ginagamit ng pamahalaan para sa immunization program nito.

Ang COVID-19 vaccines sa bansa ay nananatiling nasa ilalim ng emergency use authorization na ang ibig sabihin ay hindi pinapayagan paa sa commercial use.

“Government will take care of that.  Maski kayong mga ano mahirapan kayo so do not press your luck too far, you might regret it,” ani Pangulong Duterte.

Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay tugon sa ulat na may tatlong katao kabilang na ang isang registered nurse, ang inaresto dahil sa di umano’y ilegal na nagbebenta ng Sinovac vaccines sa Maynila. Kris Jose