PDu30, nakiisa sa sambayanang Pilipino ngayong Araw ng Paggawa

PDu30, nakiisa sa sambayanang Pilipino ngayong Araw ng Paggawa

May 1, 2022 @ 11:50 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakiisa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino sa pagkilala sa mga manggagawa sa pamamagitan ng taunang Araw ng Paggawa.

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang mga mamamayang Pilipino ay kilala sa buong bansa para sa “great passion, integrity and professionalism” na ipinakikita ng mga ito sa lahat ng kanilang ginagawa.

Ang mga katangian aniyang ito ay hindi lamang nakapagbibigay ng “economic gains” sa bansa kundi “source of immense pride” at nagbibigay ng lakas at pag-asa sa mga mamamayang Pilipino.

“For these reasons, I welcome this yearly occasion with much fervor. On this day, we are given the chance to celebrate all the triumphs and progress that the labor movement has accomplished over the years. We are likewise reminded to overcome the challenges by recognizing the rights of our workers and reassessing the systems that may hinder their growth and development,” ayon kay Pangulong Duterte.

Ang kasalukuyang administrasyon ayon sa Chief Executive bagama’t nalalapit na ang pagtatapos ay dapat na manatiling committed na magbigay sa mga tao ng oportunidad na kailangan ng mga ito upang mapagtanto ang kanilang full potential.

“It is my hope that this day recharges everyone as you continue to work for yourselves, your families and our nation,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte sabay sabing “Mabuhay ang manggagawang Pilipino!” Kris Jose

_