PDU30 nanawagan ng midnight liquor ban sa Kongreso

PDU30 nanawagan ng midnight liquor ban sa Kongreso

July 23, 2019 @ 11:12 AM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanawagan si President Rodrigo R. Duterte sa Kongreso na ipasa ang pagpapatupad ng midnight liquor ban.

 “A national law, para lahat na, that at 12 o’ clock, everything closes,” ani Duterte sa kanyang ikaapat na SONA.

Nilinaw naman ni Duterte na hindi siya maglalabas ng executive order sa kaugnay ng midnight liquor ban kagaya ng ginawa niya sa nationwide smoking ban.

 “I was just suggesting. I’d like to — Congress to ponder on it and maybe sleep on it and if they want. But it can improve tremendously the quality of life. Stop drinking at almost 11, then you go home,” ani Duterte.

 “Overall, by experience that it will do good. But I said, it would be at the expense of a reduced income for those who operate nightclubs, clubs, discos during nighttime,”

 “We have ordered already, so you can close but we have to drink. Itong ngayon, at 12, everything closes down. Nobody works. So I… I think that we should adopt it. Most of the states, in many states, in many countries, ganun manAlas dose, sarado na talaga (it’s like that. By 12 midnight, it’s already closed),” dagdag pa nito.

Samantala, naisip niya rin ang pagbabawal ng paggamit ng videoke at karaoke sa oras ng 8 o 9 ng gabi.

 “We have to stop drinking. And jukebox, they’re only good up to eight, nine. Eight, maganda ‘yan (that’s good) It’s a… It’s there in every corner, store. Blares out noise and the children who will go to school and the working class, and you are there with your store,” pahayag pa ng Pangulo.

“I have prohibited it in Davao. And at 12, as you see, Davao is quiet because everybody is resting already. Be it in the memorial parks, cemetery, or in the comfort of their homes.”

Maaalalang noong May 2017, nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order No. 26 na nagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Hiniling din niya sa Kongreso na ipasa ang panukala sa pagpapataas ng halaga ng tobacco at alcohol. Remate News Team


  •  
  •  
  •  

Loading...