PDu30 negatibo sa COVID sa huling swab test – Go

PDu30 negatibo sa COVID sa huling swab test – Go

April 8, 2021 @ 10:51 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippnes – Tiniyak ni Senador Bong Go na regular na nagpapa-swab test si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa awa ng Diyos ay negatibo naman ito.

Ang pahayag na ito ni Go ay bunsod ng ilang araw na hindi nakikita ng pubiko ang Pangulo at ang nangyaring pagpapaliban ng kanyang Talk To The People, araw ng Lunes at muling naunsiyaming Talk To The People, araw ng Miyerkoles.

Sinabi ni Go na nitong nakaraan Holy Week ang huling swab test ng Chief Executive.

“Regular naman pong nagpapa-swab test si Pangulong Duterte at, so far naman po, sa awa ng Diyos, ay negatibo naman po kung pagbabasehan po ‘yung last niya pong swab test. So, wala po kayong dapat ikabahala pero we cannot take chances. Ika nga, hindi natin pwedeng isugal, bagama’t alam n’yo po na si Pangulo talagang gustong lumabas. Kaya nga po noong mga nakaraang buwan, pumunta kami ng Dumaguete, Tacloban, Cagayan (de Oro) para po makapag-dialogue with (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict),” anito.

Subalit pina-postpone naman aniya ni Pangulong Duterte ang plano nitong pag-iikot sa buong bansa dahil kasalukuyang nasa ECQ ang NCR at apat na karatig-lalawigan na kabilang sa NCR Plus.

“We have to respect the ECQ. Itong dapat siya mismo ay huwag munang lumabas dahil ine-engganyo nga natin ‘yung mga taumbayan na manatili muna sa pamamahay kung hindi naman po importante ang lakad,” giit ni Go.

Samantala, nasa Manila lang aniya si Pangulong Duterte ngayon.

Sa katunayan ay magkasama sila subalit kapag nag-uusap ay may ilang dipa ang layo.

“Hindi naman po gaanong dikit, ‘no, dahil ako naman po naninigurado rin po ako na safe po ang ating Pangulo,” anito. Kris Jose


  •  
  •  
  •