PDu30 sa AFP: Pagbulusok ng C-130 aircraft dapat huli na

PDu30 sa AFP: Pagbulusok ng C-130 aircraft dapat huli na

July 6, 2021 @ 4:27 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang bumagsak na C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu nitong Linggo ay ang huling insidente ng pagbagsak na kasasangkutan ng military aircraft.

Naging mabigat kasi sa dibdib ng Pangulo na malaman niya na , 52 sa mga nasawi ay military personnel na sakay ng eroplano, at tatlo naman ang sibilyan na nadamay at nasa lupa nang mangyari ang insidente.

“Very clear po ang instruction ng ating Presidente na, our air assets and other military equipment should be in good shape all the time, and you cannot afford to have similar incident in the future. That (C-130 crash) should be the last,” ayon kay Armed Forces chief  Cirilito Sobejana.

Aniya, ibinigay ni Pangulong Duterte an nasabing marching order nang bisitahin nito ang mga survivors at sugatan na sundalo sa nangyatring C-130 crash sa Zamboanga City.

Sa ulat, 96 na tauhan ng militar ang sakay ng eroplano at 49 ang sugatan, habang lima pa ang hinahanap.

Sa mga sibilyan na nadamay na nasa ibaba, may apat na iba pang nasugatan.

Galing umano sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City ang C130 military aircraft na may tail number na 5125, at lalapag sa Jolo port sa Sulu nang bumagsak ito dakong 11:30 a.m.

Sa pahayag ng Joint Task Force Sulu, bumagsak ang eroplano sa Sitio Amman sa Barangay Bangkal. Ilan sa mga sakay ng eroplano ay mga bagong Philippine Army privates.

Sinabi ni Sobejana na lumampas ang eroplano sa runway.

“Na-miss niya ‘yung runway trying to regain the power at hindi nakayanan, bumagsak doon sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu. We are doing our best effort to rescue the passengers,” anang opisyal.

May mga nakakita umano na may ilang sakay ng eroplano ang tumalon bago sumayad sa lupa ang dambuhalang aircraft. Kris Jose