PDu30 sa gobyerno, pribadong sektor: Let us work harder

PDu30 sa gobyerno, pribadong sektor: Let us work harder

December 9, 2021 @ 3:39 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang gobyerno at ang pribadong sektor na magkapit-bisig at “work harder” sa pangalawang ikakasang coronavirus disease (COVID-19) mass vaccination drive sa gitna ng banta ng omicron variant. 

Target ng Pilipinas na mabakunahan ang pitong milyong Pilipino sa second phase ng “Bayanihan, Bakunahan” program mula Disyembre 15 hanggang 17. 

“As we launch, the second phase of the Bayanihan, Bakunahan, let us demonstrate the same enthusiasm, cooperation, and resolve that made the first phase a success,” ayon sa Pangulo sa kanyang mensahe na binasa naman ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. 

“Let us work harder to reach every unvaccinated Filipino so we can give them the protection they need to stay in good health,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Sinabi naman ni vaccine “czar” Carlito Galvez Jr. na nakapagbakuna ang mga awtoridad ng 8,098,078 milyong katao mula sa siyam na milyong katao na target sa first phase ng programa na isinagawa noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

“The highly successful first phase of Bayanihan, Bakunahan has not only brought us closer to our goal of population protection against COVID-19, it has also demonstrated what remarkable feats we can achieve if we are united and working with solidarity,” ayon sa Chief Executive sa pamamagitan ni Nograles. 

“We honor your heroism,” ayon sa Pangilo na ang pinatutungkulan ay ang mga frontliners, government workers, private partners, at general pubic na nagpartisipa sa event.

Binati naman ng Punong Ehekutibo ang local government units dahil sa “highest outputs” habang idinadaos ang programa kabilang na ang Calabarzon, Laguna, Cebu City, Tanza, Rodriguez, at mga bayan sa Arayat.

Pinuri rin ng Pangulo ang Tawi-Tawi at General Santos City matapos makapagtala ng “highest improvement” sa jab rate. 

“Bagamat patuloy ang pagbaba ng ating mga kaso [ng COVID-19], mas kailangan natin ang ibayong pag-iingat laban sa mas nakahahawang sakit,” ayon naman kay Galvez. Kris Jose