PDu30 sa incoming DOTr chief: PH railway system ayusin

PDu30 sa incoming DOTr chief: PH railway system ayusin

June 26, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang  mga incoming Department of Transportation (DOTr) officials  na ipagpatuloy lamang ang pagsasaayos ng railway system sa bansa.

Sa idinaos na  pagbubukas ng PNR Lucena-San Pablo Commuter Line,  sinabi ni Pangulong Duterte na ang  “championed programs” ng administrasyon ang nagpunan sa puwang sa transport sector.

“Now, I urge DOTr, especially those who will be left behind, and those who will take over the mantle of leadership, to continue leading the improvement of our railway systems,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.

“It is my hope that you will never lose sight of this goal as the enhancement of this vital transportation connection will be the key to unlocking even better opportunities for our countrymen,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte si  DOTr Secretary Arthur Tugade at ang mga opisyal ng  Philippine National Railways (PNR) para sa pagbubukas ng  PNR Lucena-San Pablo Commuter Line.

“I have no doubt that the next administration would continue to build and build. The next generation, our sons and daughters by that time would have a perfect mass transport system,” ayon sa Chief Executive.

Aniya, mas magiging “accessible and easier to manage” na ang mga lugar  gamit ang epektibong mass transport system.

Mapapalakas din aniya ng sistema ang tourism sector  dahil sa  “attractions and landmarks” na naka-stationed malapit sa railway terminals.

Aniya, ang bagong railroad  ay makapagpapaiksi sa travel time sa pagitan ng  San Pablo, Laguna, at Lucena, Quezon mula 1 oras ay magiging  30 minuto na lamang ito.

Idinagdag pa nito na,  ito na ang mahalagang hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng Bicol Express ng PNR na magkokonekta sa Kalakhang Maynila sa mga  lalawigan ng  Southern Luzon at Bicol Region.

“Indeed, this project is proof of our commitment to enhancing mobility and connectivity across the archipelago by improving our routes and bringing convenience to our fellow Filipinos,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Labis naman ang pasasalamat ng Pangulo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para sa pagpapabuti ng serbisyo at ng bansa.

“As my term in office comes to a conclusion, I am thankful that I spent my last days as president witnessing events like this and realizing that even amid challenges around us we will leave a legacy that brought meaningful and lasting changes to the lives that we have touched,” aniya pa rin. Kris Jose