PDU30 sa LGUs: Telco permits iproseso sa loob ng 3 araw

PDU30 sa LGUs: Telco permits iproseso sa loob ng 3 araw

August 3, 2020 @ 7:44 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang local government officials na gawing tatlong araw ang pag-proseso ng mahahalagang papeles mula sa nakakadismayang delay sa pag-apruba ng permit sa pagtatayo ng cell towers para sa telecommunication companies.

Inulit ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang panawagan sa mga local officials, partikukar na sa municipal at city councils, na agad na aksyunan ang mga nakabinbing aplikasyon para sa permits.

“Eto po’y may kinalaman dun nga sa kaniyang reklamo na kinakailangan talagang mapabuti yung ating cellular service,” ani Roque.

Aniya pa, ang mga susunod na city at municipal officials ay gagawin ang kanilang parte para putulin ang red tape sa proseso ng pag-apruba ng permits, mas mapapadali aniya ang telco services at mabibigyan ng pagkakataon ito na ma-upgrade ang kanilang serbisyo.

“So panawagan po sa lahat ng mga konseho sa buong Pilipinas, kung kayo naman po’y hindi kasama sa [enhanced community quarantine], kinakailangan po aktuhan lahat ng mga application ng telecoms company at iba pang mga kumpanya within three days ,” aniya pa.

Pinaalalahanan din niya ang mga ito hinggil sa Republic Act 11032 o “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 which is meant to address the tedious and unnecessary procedures in the delivery of public services.”

Ang RA 11032, na pinalitan ang RA 9485 o Anti-Red Tape Act of 2007, “provides simplified requirements and streamlines procedures in the processing of government documents.”

Binigyan ng batas ng mandato ang mga government agencies na iproseso ang simpleng transaksyon sa loob lamang ng 3 araw ang simple transactions, complex transactions ng seven working days, at highly-technical transactions ng 20 working days.

Ang pagputol sa red tape sa pamahalaan ay isa sa mga solusyon na nakikita ng gobyernong Duterte para pigilan ang public servants mula sa pagkakasangkot sa mga corrupt activities.

Sa public address, linggo ng gabi, Agosto 2 ay inatasan ni Pangulong Duterte ang mga local government officials na ipalabas ang mahahalagang papeles gaya ng ordinansa sa loob ng 3 araw o sasampahan ng kaso.

Binalaan niya ang mga ito na mahaharap sa paglilitis kapag nabigong sumunod kaagad.

“The clock is ticking except on the days we do not hold office, I will count the 72 hours weekdays. Tapos for example it has been there on Monday, then two to three days, should be on Thursday. If you fail to do that, I am directing Fiscal Yang to file the case immediately with the department or sa ano,” ayon sa Pangulo.

Hindi naman malinaw kung sino ang tinutukoy nitong “Fiscal Yang” subalit sinabi ng Pangulo na ito’y dating fiscal mula Nueva Ecija.

“I’ll see to it that you are effectively suspended preventive — suspended as a form of a punishment. But I would prefer that you would be dismissed immediately and the courts for not to interfere,” dagdag na pahayag ng Chief Executive. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...