PDu30 sa mga nurse: Magpulis para sa mataas na sweldo

PDu30 sa mga nurse: Magpulis para sa mataas na sweldo

August 3, 2020 @ 12:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iminungkahi ni President Rodrigo Duterte sa mga nurse na dapat silang sumanib sa hukbo ng kapulisan upang magkaroon ng malaking sweldo sa kanilang serbisyo.

“Those who want to work with government, lahat ng mga nurses na police, pumasok kayo sa police kasi malaki ang sweldo,” lahad ng Pangulo.

“If you remain a nurse outside, you only get about 8, 9, 10 [thousand pesos] so it’s time to give more to the people,” dagdag pa nito.

Ang naturang pahayag ay kaugnay ng panawagan ng healthcare workers sa pansamantalang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

“All nurses sa uniformed sector will have to work, and we can always ask for volunteers. I am asking [Defense] Secretary Lorenzana to mobilize, call a mobilization of doctors and nurses and those who can help. Kung ‘yan na lang ang maaasahan namin, or I might outright recall for all reservists to work. Yan na lang,” aniya. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...